Lubos po akong nagpapasalamat sa mainit ninyong pagtanggap sa akin sa Koronadal, South Cotabato! Sa paglahok ko sa Regional Irrigators’ Associations Congress, nakapanayam ko ang iba’t-ibang asosasyon ng irrigators mula sa iba’t-ibang panig ng Region XII.

Naibahagi din namin ng National Irrigation Administration (NIA) ang operation and maintenance subsidy na nagkakahalagang P18-million sa irrigators’ associations. Layunin nito ang palakasin ang suporta para sa pambansang adhikain na itaas ang produksyon at makamit ang food security.

Kasama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture sa pagsulong ng food security sa bansa. Sa pagtutulungan namin ng mga sektor sa DA, alam ko pong matagumpay nating maitataguyod ang adhikain na ito.

Maraming salamat kay NIA Admin. Eddie Guilen, kay Apayao Province Vice Governor at presidente ng National Confederation of Irrigators Association na si Remy N. Albano, sa iba pang local government officials, mga lider ng iba’t-ibang irrigators groups sa mga lalawigan ng South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at General Santos City, at sa lahat ng mga nakilahok!

#ParaSaMasaganangBagongPilipinas #SecKikoInAction

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *