“Tulad ng ating ipinangako, ipinagpa-patuloy natin ang repormang pansakahan — Isang taon mula noong aking unang SONA, naisabatas na ang bagong Agrarian Emancipation Act. Dahil dito, ang 57 bilyong pisong utang na pinapasan ng mahigit anim na raang libong benepisyaryo ay tuluyan nang nabura.”