#RiceTips: HINDI SWERTE ang POLKA DOTS sa palayan! Brown spot ‘yan!
Walang dalang buenas ang maliliit na spot sa dahon na pabilog at kulay-kape. Fungal disease ‘yan na umaatake sa bawat yugto ng palay partikular na sa panahon ng pagsusuwi at paghinog.
Para labanan: Magdagdag ng patabang mataas ang potasyo upang tumibay ang palay laban sa mga sakit. Magbomba ng fungicide kung kinakailangan.