Tuyo at mainit ang timplada ng panahon, mas mahina kaysa karaniwang pag-ulan, at bihira ang bagyo pag may El Niño! Asahan ang mas mahinang ani ng mga pananim dahil sa kakulangan ng tubig. DISKARTips: Subukan ang sistemang Palayamanan Plus o ang pagtatanim ng hindi lang palay kundi pati na rin ng gulay, pagkakabute at paghahayupan. Kasama rin dito ang pagbabalik sa lupa ng mga by-products ng palay, gaya ng ipa at dayami. Mainam din ang mga itong gamitin bilang mulch o alipip sa mga tanim na gulay para hndi agad matuyo ang lupa. Sa gitna ng El Niño, makadaragdag sa kita ang pagtatanim ng mabilis anihin gaya ng mustasa at petchay. Magtanim ng mga halamang mataas ang commercial value (pakwan, kalabasa, melon) upang makadagdag sa kita.