
Sa WASTONG pagpapatuyo ng palay, kalidad ng binhi ay sigurado!
Kung ang palay ay napatuyo ng wasto,napapanatili nito ang kalidad ng ani, naiiwasan ang pag-atake ng peste, at posibilidad na pangingitim ng butil dulot ng mataas na moisture content (MC).
Narito ang mga epekto ng wasto at hindi wastong pagpapatuyo ng palay:
Nagpapahaba sa panahong itatagal ng butil sa imbakan.
Nagpapababa sa dami ng mga nasasayang na butil.
Napapanatili ang kalidad ng mga butil.
Nagpapataas sa dami o porsyento ng magiging bigas at mas mataas ang head rice recovery o mga buong bigas matapos ipagiling.
HINDI WASTONG PAGPAPATUYO
Kung sobra ag pagkakatuyo ay maaaring magresulta ng pagkakaroon ng lamat ang mga butil na nagdudulot ng madami ang brokens sa panahon ng paggiling
Ang pagpapatuyo ng matagal sa mataas na temperatura ay nag-aalis sa bango o aroma ng mga mababangong barayti ng bigas.
Ang mataas na temperatura (70-80°C) kasama ang mga basang butil ng palay (lampas sa 26% na tubig) ay maaaring maging sanhi ng paninilaw at hindi natural na pagkalaon ng butil.
Kung hindi napatuyo agad ang mga butil ay nagingitim at inaatake ng amag dahil mataas pa ang moisture content ng mga butil.
Ang pagpapatuyo sa kalsada ay nagdudulot ng pagkadurog ng mga butil, at nahahaluan ng mga dumi gaya ng buhangin, lupa atbp.