𝐌𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐧𝐢𝐦 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐢𝐬? 🌽🌽🌽

𝐒𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐟𝐢𝐜 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨 𝐒𝐒𝐍𝐌 sa mais ang talakayan ng 𝟒𝐭𝐡 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐥𝐢𝐦𝐚𝐭𝐞 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐥𝐢𝐞𝐧𝐭 𝐅𝐚𝐫𝐦𝐞𝐫𝐬 𝐅𝐢𝐞𝐥𝐝 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 (𝐂𝐑𝐅𝐅𝐒) sa AMIA villages ng Lake Sebu, South Cotabato.

Ang 𝐒𝐒𝐍𝐌 ay isang makabagong pamamaraan na hindi lamang nagpapataas ng produktibidad ng mais kundi nakatutulong din sa pagbuo ng mas climate-resilient na sistema ng agrikultura.

Sa 𝐒𝐒𝐍𝐌, sinusuri ang mga tiyak na pangangailangan ng nutrisyon ng mais base sa lupa, klima, at lokal na kondisyon ng sakahan. Sa pamamagitan nito, mas maiiwasan ang sobra o kulang na pataba na mahalaga upang maiwasan ang polusyon at pagkalason ng lupa na maaaring magpalala ng mga epekto ng climate change.

Ang aktibidad na ito ay sa pangunguna ng 𝐀𝐝𝐚𝐩𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐌𝐢𝐭𝐢𝐠𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐧𝐢𝐭𝐢𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞𝐬 𝐢𝐧 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐨 𝐀𝐌𝐈𝐀 𝐒𝐨𝐜𝐜𝐬𝐤𝐬𝐚𝐫𝐠𝐞𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 at ng 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐚𝐫𝐜𝐡 𝐟𝐨𝐫 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧 ng Department of Agriculture Regional Field Office-XII.

#AMIASox#AMIACREATE#ClimateFieldSchool#ClimateResilient

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *