
SOBRA o KULANG sa tubig, stress ‘yan sa palayan!
Ang sapat na pagpapatubig sa palayan ay nagiging malusog ang palay at nakakapagpataas ng ani at kita.
Kulang sa tubig:
malalim na pagbitak ng lupa nang mahigit sa 3 araw
pagkatuyot ng dulo ng dahon
pagkabansot ng palay
Sobra sa tubig:
lampas 5sm ang lalim sa loob ng 7 araw pataas
maliliit na dahon ng palay
mababa o kulang ang suwi bawat tundos
maitim ang ugat dahil sa sobrang babad sa tubig