Suspended po muna ang importation ng sibuyas simula February hanggang May! Alinsunod po ito sa napagusapan namin ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) kahapon.

Base sa kanilang report, magkakaroon ng surplus ngayong quarter dahil sa additional 40% land area na pinagtaniman ng onions. Ibinahagi din nila sakin na nasa 5% lang ng crops ang apektado ng harabas dahil sa El Niño.

Kung sasapat po ang ani sa mga susunod na buwan, pwedeng magtuloy-tuloy ang suspension ng importation hanggang July.

#ParaSaMasaganangBagongPilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *