TIPID na, mas mabilis pa! Kalahating araw lang tapos na sa pag-ani si ka-Palay Paulo Jeres Jr., farmer cooperator mula Negros Occidental matapos gumamit ng combine harvester! Subukan ang combine harvester: Tanggal ang pagod dulot ng pag-iipon ng inaning palay bago ang paggigiik dahil substitute na din ito ng rice reaper at stationary thresher. Mababawasan din ang shattering losses o natatapon na mga butil kumpara sa mano-manong paggapas, pag iipon, at sa paggiik dahil minsanan na itong ginagawa ng combine harvester. Kayang mag-ani ng 3-4 ektaryang palayan sa isang araw. Nakatutulong ito sa mga lugar na wala o kulang ng mga manggagapas. Kayang gawin ng 2-3 tao ang pag-aani, paggigiik, at pagsasako. Naikakalat na din ang dayami kaya mas madali na ang paghahalo at pagbubulok ng dayami sa panahon ng paghahanda ng lupa. Tips sa paggamit:Upang maiwasan ang aberya at pagkatapon ng palay, siguraduhing may sapat na gasolina o krudo. Dapat ding may sapat na dami ng malinis at tuyong sako na paglalagyan ng palay. Mag ani kung tuyo na ang mga dahon ng palay upang malinis ang mga butil at maiiwasan ang tapon g mga butil na sumasama sa mga dayami.Magpatakbo lamang ng naaayon sa rekomendadong bilis. Kung madumi ang naisasako o maraming naitatapong palay ang cleaner, maaring i-adjust ang pasukan ng hangin sa blower. Gawin ito hanggang makuha ang tamang adjustment.Pag-aani gamit ang rice combine harvester: https://bit.ly/RiceCombineHarvester#PhilRice #QualityRiceQualityLife #Harvest Post navigation GREEN LACEWING – Successfully reared and available at the DA-RCPC 12 𝐃𝐀 𝐗𝐈𝐈 𝐒𝐀𝐀𝐃 𝐇𝐎𝐋𝐃𝐒 𝐁𝐍𝐀 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍