
WAG MAG-PANIC kung nakita mo ang mga insektong ito sa iyong palayan, ka-Palay!
Kilalanin ang ilan sa mga kaibigang insekto na tumutulong sa pagpuksa sa mga pesteng insekto na maaaring magdulot ng pagbaba ng ani.
Tandaan:
Sa palayan, iwasang magspray agad ng lason para dumami pa ang ating mga kaibigang kulisap. Sa unang 30 araw ng tanim ay dumadami pa ang ating mga kaibigang kulisap.
Sa ganitong paraan, napaparami ang mga kakamping kulisap. Sila ang kumokontrol sa populasyon ng mga pesteng insekto dahil inaatake at kinakain ang mga itlog, inakay, at mga magulang na peste.
Ating bawasan ang paggamit ng pestisidyo para mas balanse ang ecosystem sa ating palayan na nakatutulong sa pagtaas ng ating ani.
Source : DA-PhilRice Batac