WALANG HABAS sa FAW o Fall Armyworm! Kung dati sa mais lang namiminsala, nananalasa na din ngayon ang Fall Armyworm o FAW sa mga palay.Ang pag-atake (pagkain) ng mga FAW ay maaaring magdulot ng grabeng pagkasira sa mga dahon ng palay, o pagkaputol ng hanggang sagad sa punong palay lalo na sa batang palay (seedling), na maaaring magdulot ng pagbaba ng ani. Pamamahala: Palagiang subaybayan ang mga kamang punlaan o ang palayan pitong araw pagkatapos magsabog-tanim upang malaman kung may impestasyon. Magmatyag tuwing umaga o gabi para sa mga batang uod o larvae ng FAW gamit ang palatandaan nitong apat na tuldok sa dulo ng katawan at baligtad na Y sa likod ng ulo. Isang indikasyon na mayroong impestasyon sa pananim ay ang pagdating ng kawan ng mga ibon na naaakit sa mga ito. Kung mayroong impestasyon, patubigan ang taniman upang umangat ang mga uod at mas madali itong makita at mapuksa. Hinihikayat ang paggamit ng mga biological control agents. Kolektahin ang mga namatay na uod na maaaring napuksa ng virus, fungi, o bacteria. Sunod itong durugin, ihalo sa tubig, at i-spray sa inatake na mga tanim. Gumamit lamang ng insektisidyo bilang huling opsyon. Manghingi ng tulong sa eksperto sa crop rotection sa inyong lugar. Ugaliin ang sabayang pagtatanim matapos ipahinga ang lupa upang mabawasan ang impestasyon. Tanggalin ang mga damo sa paligid ng palayan, lalo na sa panahong nakapahinga ang lupa, upang walang makain at panganlungan ang FAW.#BetterPhilRiceBetterRiceCommunities Post navigation LGUs presented their proposals during the Joint Technical Review (JTR) facilitated by the National Project Coordination Office (NPCO), Project Support Office (PSO) Mindanao and Regional Project Coordinating Office (RPCO) XII Department of Agriculture (DA) 12 strengthens its partnership with the legislative leaders to further improve the agri-fishery sector in SOCCSKSARGEN Region