#PRDP | Pormal ng ipinagkaloob ng DA-Regional Project Coordination Office 12 ang mahigit sa PhP100M na halaga ng Lampitak-Albagan farm to Market Road Subproject sa lokal na pamahalaan ng Tampakan, South Cotabato ngayong araw, Abril 11, 2024.

Ang proyekto, na pinondohan sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP), ay may limang (5) kilometrong haba na may 10 metro ang lapad kasama ang shouldering at lined/masonry canal at nagdudugtong sa mga barangay ng Lampitak at Albagan sa nasabing bayan.

“We are very thankful… This is a project of the people that for a very long time, ginapangandoy gid nila nga maibsan ang kakulangan [sa kongkreto nga dalan]”, Tampakan Mayor Leonard T. Escobillo said

Ang proyektong ito ay lubos na makakatulong upang mapabilis ang pagkilos ng mga tao, mga kalakal, at mga serbisyo. Dahil rin dito, mapapadali at mapapabilis ang pag-angkat ng mga produkto ng mga magsasaka tungo sa pagkamit ng masaganang agrikultura at maunald na ekonomiya.

#EnablingCommunitiesExpandingOpportunities

#RegionalProjectCoordinationOffice12

#prdpmindanao

#MasaganangAgrikultura

#MaunladNaEkonomiya

#AgriTayoSoccsksargen

#BagongPilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *