Financial assistance ng DA 12 natanggap ng higit sa higit 1,500 na mga magsasaka sa President Quirino, Sultan Kudarat

KORONADAL CITY-Nakinabang sa pinansyal na tulong ng DA 12 ang 1,500 na mga magsasaka sa President Quirino, Sultan Kudarat.

Ito ay nasa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance o RFFA Program ng nasabing ahensya

Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig P5,000.

Ito ay bilang kompensasyon sa nawala nilang income sanhi ng pagbaba ng presyo ng palay at pagtaas naman ng presyo ng abono at iba pang farm inputs.

Kwalipikado na makatanggap ng tulong sa pamamagitan ng RFFA ang mga magsasaka na naka-register sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.

Ang mga benepisyaryo ay nagsasaka ng hindi lalagpas sa dalawang ektaryang lupain.

Samantala, magpapatuloy naman hanggang bukas ang pamimigay ng ayuda sa higit 6,000 na mga magsasaka na benepisyaryo ng RFFA sa M’lang, Cotabato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *